₱300
By Ceres S.C. Alabado
Published by New Day Publishers, ©1969, reprinted 2018.
Ito ay kuwento tungkol sa isa sa pinakadakila at mabunying kabanata ng kasaysayan ng Pilipinas. Kinapapalooban ng mga pag-ibig, mga pagkapoot, mga pangamba at mga sigaw ng Himagsikan, na nagbigay buhay sa kalayaan ng isang bansa.
Ito ay isang pagsasalaysay ng isang labinlimang taong batang lalaki, si Plorante Acab0, na umanib Katipunan, noong kapanahunan, na ang lihim na mapanghimagsik na samahan, ay noon pa naman, bagu-bago pa lamang natuklasan ng mga Kastila. Nang mga panahong iyon si Bonifacio ay umiwas at lumayo patungong sityo ng Kangkong sa Balintawak.
Noon, ang iniisip lamang ni Plorante ay ang kanyang maalab na pagnanasang maging ganap na binata at matanggap na kaanib sa samahan. Kaya hindi niya gaanong nauunawaan ang tunay na kahulugan ng mga nagaganap na mga pangyayari. Palibhasa’y hubog sa gitna ng karalitaan at mahigpit na pag-aaruga at pag-patnubay ng ama, napasuong siya sa sa patumanggang pakikidigma, walang habas na pakikihamok, pagpatay at pagpatay sa mga conquistadores at Guardia Civiles ng Hari. Ito ay lubhang mahirap na gawain. “Ang pumatay ng isang masamang tao ay katumbas din ng bigat ng sakit ng pagkahabag sa isang nagtitiis at nagdurusa.” Mahirap at matagal bago niya naunawaan ang tunay na kahulugan ng lahat niyang nasaksihan.
Description: 241 pages ; 17.7 x 12.7 cm
Language: Tagalog
ISBN: 978-971-100-106-3
In stock