₱1358
Ni Rosalinda Pineda Ofreneo
Inilathala ng The University of Philippine Press, ©2025.
ABOUT THE BOOK
Dahil ang Bukas ay para sa Mapagkalinga is a collection of poetry in English and Filipino that illustrates the process of “individuation” and ”connectedness” in “the life cycle approach” to understanding women’s lives. Dito, binubulatlat ang kahirapan, pananamantala, krisis sa klima, human rights violations, migratory pains, at iba pang mga temang tumatagos sa puso at kaluluwa ng kababaihang Pilipino. Hindi lang ang kultura ng pakikibaka at pakikipagtunggali ang binibigyang-hugis ng mga tulang ito kundi pati na rin ang kultura ng pag-asa at pakikiisa, at kung papaano ito nagsisilbing tanglaw sa changemakers tungo sa isang perspektibang pinagbibigkis ng katarungan, kapayapaan, at sustenableng kagalingan para sa lahat.
ABOUT THE AUTHOR
Isinulat ni Rosalinda Pineda Ofreneo ang kanyang unang tulang “Genesis” noong First Quarter Storm, 19 na taong gulang siya at bagong mulat sa feminismo at nasyonalismo. Halos limang dekada ang nakalipas, at sa bawat yugto ng buhay bilang kasintahan, bagong kasal, pagiging ina habang abala sa pagsisikhay na akademiko at aktibismo, pakikisalamuha sa kababaihang nasa laylayan, paglalakbay sa iba’t ibang sulok ng daigdig, at paminsan-minsang paghimlay sa piling ng kalikasan sa paanan ng Bundok Banahaw, nakaipon at nakawala siya ng napakaraming tula na nais niyang matagpuang muli at pagyamanin sa isang proyekto. Tinawag niya itong “Poetry and Pedagogy” dahil nagsasanib ito sa kanyang buhay makata at buhay guro. Naniniwala siya na sa panahong nagsasalimbayan ang mga krisis, ang kinabukasan ay para sa mapagkalinga.
Description: 348 pages ; 22.8 x 15.2 cm
Language: English
ISBN: 978-621-09-0135-1
Only 2 left in stock