₱429
By Alvin B. Yapan
 Published by Blue Books, ©2018.
Ang pag-aaral sa wika ay nagiging isa nang kultural na pag-aaral. Nagiging isang asignatura ang malayuning komunikasyon na pag-aaral sa kultura mula sa lente ng wika. Hahantong sa pag-unawa ng wika ang pagpasok sa kultura; gayundin, hahantong sa pag-unawa sa kultura ang pag-aaral sa wika. Nahahati sa tatlong bahagi ang aklat na ito.
I. Pagpapakilala sa iba-ibang rehistrong pangwika. Dito palalilim ang ideya ng
 pagkaroon ng pamayanan ng tagapagsalita. Nandito ang aspektong interkultural
 ng malayuning komunikasyon, gayong maipakikilala ang iba’t ibang wikang
 bumubuo ng iba’t ibang pamayanan ng tagapagsalita.
II. Pagpapakilala sa mag-aaral sa pinapasok niyang pamayanan ng mga
 tagapagsalita sa pamantasan sa pamamagitan ng pagtuntong sa
 usapin ng sining panretorika. Dito naman palalalimin ang aspektong
 kultural ng malayuning komunikasyon nang espesipiko sa pamayanan ng
 mga tagapagsalita ng pamantasan.
III. Pagtatalakay sa multimodalidad ng wika bilang pagkilala na lumalampas
 sa paggamit sa salita ang pakikipagtalastasan.
Description : 157 pages ; 26 x 18 cm
Language: Filipino-Tagalog
ISBN: 9789715509619
In stock