₱360
By Christa I. De La Cruz
Published by De La Salle University Publishing House and Grana Books, ©2026.
SERYENG SINAYÀ
Maraming posibilidad ang mga akda ng mga bagong manunulat, na unang sinubok at pinanday mula sa kailang mga klase sa panitikan at malikhaing pagsulat, hanggang sa paglikha ng kanilang mga tesis at disertasyon. Mga posibilidad hindi kailangang manatili lang sa aklatan at repositoryong digital ng pamantasan bilang pagtupad sa mga kahingian ng kurso tungo sa pagkakamit ng digri. Kailangang lumabas–lumaya-ng mga akdang ito sa bakuran ng akademya tungo sa mas malawak na daigdig ng pakikisalamuha, pakikibahagi, at pakikisangkot. Kailangang may pintong magbukas. At ito ang pintong binubuksan ng Seryeng Sinayà. Isang pasinayà at paanyaya sa mas marami pang pagbubukás at paglaya sa kasalukuyan at hinaharap.
Si Christa I. De La Cruz ay nagtapos ng MFA in Creative Writing sa Pamantasang De La Salle noong 2025. Naging writing fellow siya para sa tula, dula, at dulang pampelikula sa iba’t ibang pambansang palihan at nalathala na ang kanyang mga akda sa iba’t ibang lokal at internasyonal na publikasyon. Noong 2024, itinampok ang kanyang dulang Huling Salita bilang staged reading sa Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines. Nagkamit din siya ng unang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 2015 para sa kanyang koleksiyong Mula sa Silong. Kasalukuyan siyang patnugot sa Summit Media.
Description: 48 pages ; 19 x 13.3 cm
Language: Filipino
ISBN: 978-971-555-759-7
In stock