₱550
By Jason Tabinas
Published by Jason Tabinas (R Studio), ©2025.
TUNGKOL SA AKLAT
Pinapaksa ng mga tula ang mga epekto ng baha at tagtuyot sa mea aspektong pisikal at sikolohikal. Nakatuon ang mga imahen sa buhay sa kanayunan lalong-lalo nasa mga buhay ng mga magsasaka, ang mga nasa laylayan na siyang pinakaapektado ng mga kalamidad. Matutunghayan ang masalimuot na mga epekto ng kalamidad: ang bagabag sa pagharap sa laging nakaambang pagbaha at tagtuyot; ang paghihirap, gutom, at panghihinayang matapos mawalan ng mga arl-arian: pagdadalambati kamatayan; at ang lumbay na nananalaytay matapos ang mga kalamidad. Subalit sa mga sandaling tama ang timpla ng tubig at init, kakikitaan ang kalikasan at ang agrikultura ng ikinabubuhay, buhay, kagandahan, kasiyahan, at pag-asa sa mga kanayunan.
MGA PAGKILALA
Sa pagbasa sa mga tulang ito maging handa sa nakakahawa’t humihiwang mga gunita mula sa binabalikang mga poon at pook at kinabibilangang kabataan na higit pang pinaiigting ng pagdadalumat ng parehong mga rawitdawit na taglay ang mga nilalagnat na talinhaga, ma kayang sidlan, sindihan ang anumang loob, o tupukin, papagningasin ang mga ga-kamalig nating mg maligalig na pananalig.
-Kristian SeHdon Cordero
Bukal ang tag-araw at tag-ulan ng mg alaala ng kabataan na nabibilad sa-at nilulunod ng mga anyo ng kawalang-muwang karahasan, subalit umaahon mula roon ang hininga ng mga tula ni Jason Talbinas upang muling harapin ang mga bitak ng lupain at sindak ng hangin, ang mga mukha no relilhiyon at panahon, ang nga hayop sa paligid at sa loob na bukal ng rubdob, at mang makapagsimula muli ng buhay ang bawat isang “kailangan lang ng isang taong makakikita.”
-Edgar Calabia Samar, Ph.D
Description: 150 pages ; 23 x 15.2 cm
Language: Tagalog
ISBN: 978-621-06-4537-8
In stock