Ilang Segundo ng Pag-asa at Pagkabigo (SB)

Category

250

By Jason Tabinas
Published by Jason Tabinas (R Studio), ©2025.

Tungkol sa Aklat

Sinisiyasat ng mga tula ang maraming sitwasyong kinapapalooban ng tao mula sa hindi mapagpipilian at mababago, tulad ng heograpiya pandemiko, hanggang sa mga kontroladong desisyon at gawain sa araw-araw na pamumuhay at trabaho.

Nandito ang mga pag-asang magiging maayos ang araw: mula sa simpleng hangad na makabili ng kailangang gamot sa botika at makapagpahinga kahit sandali sa mga gawain, hanggang sa pag-asang nasa panaginıp lang ang balitang kamatayan ng pinakamatalik na kaibigan.

Nandito rin ang mga pagkabigo: ang mga sandaling hindi matukoy ang pinanggagalingan ng bigat na nakadagan sa dibdib, ang walang katapusang tambak na mga gawain, at ang mga pagkakasakit at kamatayan.

Sa loob ng mga siklo ng pagsasalitan ng magkapares na pag-asa at pagkabigo, sa pagpapalit at pagbabago ng pakiramdam at panahon, ang patuloy na paggising araw-araw, wala mang linaw ang magiging takbo at saysay, ramdam man ang mga pagdududa at pagkukulang:

Hinaharap ko ang aking mga kamalian
(at ang madaring mga kamalian-)
sa daloy ng mga salita sa pahinang ito.
Kaya siguro hind, ako nilulubayan
ng mga pag-aatubili. Pero kung hindi habarapin,
paano ang pagpapatuloy?
At paano uusad mula rito–?

Description: 27 pages ; 22.8 x 15 cm

Language: Tagalog

ISBN: 978-621-06-4538-5

In stock

Related Products

Newsletter

Sign up to our newsletter

*Email is a required field