Ang tunggalian sa nobelang ito tungkol sa pag-aalsa ng Hukbalahap noong dekada singkwenta ay hindi lang ang sigalot sa digmaang panggerilya. Ito ay ang malalim at simbolikong alitan sa pagitan ng dalawang magkapatid at ang kanilang magkataliwas at magkahiwalay na tradisyunal na lipunan na ayaw pa ring kumawala sa kahapon.
Si Don Vicente, ang panginoong may lupa na nangingibabaw sa Tree pero hindi naman, nagpapakita, ay lalabas sa nobelang ito bilang pangunahing tauhan. Ang matandang padre de pamilya ay bumalik sa kanyang bayan para mamatay. Si Luis ay ang kanyang anak sa labas at ang inaasahang panghuli bilang tagapagmana. Si Víctor ay kapatid sa ina ni Luis ang rebelde, matatag pero nakatadhanang magdusa.